Wednesday, September 3, 2008

magnanakaw ako

opo..

ng pen

kaya lang wala din akong malay na gumagawa na ako ng krimen
lahat ng nahahawakan kong pen na hindi sa akin, nakikita ko na lang the next time, nasa bag ko na
so far, 4 na ang nakuha ko..
2 kay manager, isa kay minji, isa kay kevin..
hai..
di ko na ibinalik hahahaha..
at yung mga pen naman na akin talaga, nawawala ko lahat..
ano kayang sakit ko


kaya kapag nkita nyong ako ang huling humawak ng pen nyo at biglang nawala, for sure nasa akin yun, bigla kong naipasok sa bag ko
hehehe
di ko talaga alam bakit ganun..

hehehe

Thursday, August 7, 2008

lady in stiletto



being molded to be a rational creature, i grew up looking at anything straight in the eye..
not with passion, but with calculating curiosity..

believing that everything can be proved either true or not; could be answered yes or no: only two options, one definite answer..

no either nor neither


then, i proved myself: not so wrong but not so right either..

i saw this young lady in her burberry coat, LV bag and high stiletto, walking straight ahead, she didn't even notice me
while i have always been patching each damaged piece of my life and even those of other people, wondering why and thinking of how's,
she just stepped unto hers, her footprint superimposed the prints of those who tore her life into pieces..
as if nothing happened..
as if she doesn't care at all..
considering the fact that mine's just damaged, hers: torn..

she walked straight ahead..
doing a good job, pretending she's living a better life than mine

if i have not known her that much, i could have been fooled
I've been asking myself why..

I, always being rational, believing there's always an answer, answers I can see and prove, myself

while she, living in fantasy, just going with the flow, doing nothing against those who destroyed her life, and against life itself
and yet, she's much less troubled than i am

i know, she's living in a dream she created herself
just like anybody else in this god damned country..

living in neutrality, in their own myth..

while i..
i always wanted to be the exception to the rule, the indie in the mainstream film industry, the different, for i thought that's how i would be better off..

but guess what, they're living a better life, a lot better than mine..
..........
guess
that explains it..
we survive because we pretend..

i had a hard time because i always swim against the flow

whether we admit it or not, the rest of us acts like the lady in stiletto
pretend, hide, go with the flow, ignore everything coz there's a prize for those who abide to the common..

and sadly, improvement's still elusive..
we might have a better life being just like anybody else
but in general, are we doing well?

"we always use a ship they lend us, to take us to where we're heading; not where we really want to but where they want us to be;
we're afraid to swim on our own towards a place we really think we're better off..

but we never realize: the ship might get overloaded of people who doesn't want to try something new, something better; and that's when we will realize, we should've swam"


Wednesday, August 6, 2008

ang pagbebenta ng obra..

kagabi..
JAY..

starring
Baron Geisler and Coco Martin

Jay is the name of two protagonists in the film. Jay Santiago is a gay TV producer documenting the family of a gay hate crime victim who happens to be his namesake, Jay Mercado. In the process of producing for his TV program, Jay Santiago intrudes into the private grief of the other Jay’s family and he is drawn to the secret life and love of his subject. Direk Francis issues a warning for his film, “Do not believe everything you see as truth.”


isang indie film na talaga namang ok

nagpapakita ng isang di napapansing baho ng media..


pinakita sa palabas kung paanong ginamit ang hinagpis ng pamilyang namatayan para sa lalong ikakabenta ng kanilang palabas..
at pinaulit pa mandin nang nagkaroon ng tama ang naunang video kung saan iniiyakan ng nanay ang bangkay ng anak..

tsk.tsk..
di ko mapigilang maalala ang mga dokumentaryong naglipana sa iba't ibang istasyon sa telebisyon ngayon..

at isa ngang tumatak sa akin ay ang dokumentrayo "MAHAL, HANGGANG SA WAKAS" na kung di ako nagkakamali ay sa ABS ipinalabas..
pinakita doon kung paanong ang isang mahirap na mama ay inilibing matapos maaksidente..

.. ang pagsundo sa asawa nya sa kanilang tirahan na hindi ko na alam kung saang bahagi ng mundo nakatirik
.. ang dala nyang kumot at unan na tila kanilang pang.araw.araw na gamit; na syang gagamitin ng namatay sa kanyang ataul
.. nang kapusin ang plywood na ginagamit nila sa pag.gawa ng ataul
.. ang di pagbalsamo sa bangkay
.. hindi na napalitan ng damit ang namatay
.. walang burol na nangyari dahil di daw tatagal ang epekto ng formaline sa namamaho ng bangkay
.... at higit sa lahat ay ang paglilibing sa kanya sa isang bakanteng nitso sa isang apartment type na libingan.. bakit bakante? halos kalahati ng taas nito ay abot ng burak at baha

nakakalungkot, nakakaiyak ang sinapit ng mama..'
tila di xa matatahimik sa kanyang pinuntahan
........

natapos ang programa
akala ko may part pa na tutulungan yung nanay at yung anak na naiwan

wala..
nakatitig ako sa lumalakad paitaas na pangalan ng mga staff mula direktor pababa, na balak ko sanang hangaan
ganun lang?

ang tinulong lang ata ay ang pagdala ng ataul na plywood sa punerarya..
yun na

bwisit..
bakit ganun?

matapos pagpyestahan ang iyong pagdadalamhati, matapos na halos isubsob ang camera sa mukha mu upang makita bawat patak ng luha, ganun na lang?
matapos na tumaas ang kanilang rating sa makatotohanang istorya ng iyong hinagpis, ganun na lang..

tama nga ang isang taong hinahangaan ko..
sa media, MAS MAHIRAP KA, MAS NAKAKAIYAK ANG KWENTO, MAS MABENTA..

galit tayo sa mga dayuhang pinagpepyestahan at nag.eenjoy sa pagkuha ng litrato sa mukha ng ating kahirapan ngunit ano tong ginagawa sa atin ng mismong ating kababayan?

pinagkakakitaan ang kahirapan..
tsk.tsk..

noon gusto kong mapasok sa mundo ng media, nasa puso ko ang pagsusulat ng mahubog ang aking kakayanan dito noong high school
umiyak nang humadlang ang aking mga magulang dahil nais nila ipagpatuloy ko ang isa ko pang pangarap, ang maging doktor
delikado daw..
magulo
cge

nang maipon ang lahat ng naririnig at nababasa kong kapangitan sa media..
lalong sumidhi ang nais kong pasukin ang mundong iyon
magbigay ng pagbabago..
maging isang nahiwalay na tangkay sa grupo ng mga dahong iisa ang direksyon tinatahak..

..................
pero anong magagawa ko kung ayaw ng aking mga magulang?
AYAW ko na rin maging doktor
mahirap..
ngunit yun ang gusto nila

at ayaw kong nagliligtas lang ng buhay at nagrereseta ng gamot..
gusto ko ng may lalim
wala akong pag.asa na maging alagad ng batas..
kahit gusto ng puso di kaya ng katawan..
pwede ring pagsamahin
forensic specialist..
ngunit paano ba yun?
di nga kaya ang isa sa dalawang iyon, paano pa pag.pinagsama

gusto kong magbenta ng obra
ngunit maiba sa paraan nila..
hindi pera ang katumbas na halaga..
palakpak, ngiti at papuri ang mas gusto kong matanggap
gusto kong magpatawa ng tao..
gusto kong maging dahilan ng kanilang mga ngiti


at gusto ko ring lumutas ng kahit anong tanong na hindi masagot ng batas
pagbayarin ang dapat magbayad..

........
andami kong pangarap kaya wala akong makuha kahit isa
at ang lawak ng nasakop ng blog na ito..
mula kay JAY patungo sa pangarap ko..

tunay nga na kapag nasaling ang isang bahagi ng pagkatao mo ng isang pangyayari, lalabas ang lahat ng gusto mong iugnay dito..
paraan ang titik upang magpakita ng pagsang.ayon o pagkontra..

mahalaga ang mga titik sa akin..
at alam ko di lamang ako ang ganito ang pagpapahalaga sa mga iyon..
............

mxdo ng mahaba
hanggang sa uulitin

Wednesday, July 30, 2008

napahiya na naman

econ..

wed, around 2 pm

pinalabas ako ng room ng prof namin
dahil sulat ako ng sulat ng kung ano.ano, pinapabasa ko pa sa katabi ko

imbes na mag.recite, dahil tinatamad si prof magtanong, pinalabas na lang ako

tsk.tsk..

isang mapait na katotohanan na isa sa mga natutunan ko
kaylangan ng makapal na mukha para tumagal sa UP

trained naman ako sa pakapalan, pero kaylangan pa ng ibayong pagsasanay..

haha

Monday, July 28, 2008

pedro gil

di ko alam kung ako pa lang ang nakakita ng sitwasyong ito o may iba na rin..

(naalala ko po ito dahil sa nabasa kong bagong obra ni ginoong yfur, salamat sa inspirasyon..)

..
sa jeep patungong UPM
dumaan sa leon guinto
bago dumaan sa intersection ng pedro gil at l.guinto, may sumakay na gusgusing bata

nag.abot ng sobre sa bawat sakay nito at nakasulat dito na
"ate/kuya penge naman ng pambili ng gamit sa school"

at ako, bagaman naaawa sa kanya, ay di napigilang napaismid..
kung nanghihingi sya ng pambili ng gamit meaning nag.aaral sya, anong ginagawa nya ng mga oras na yun sa kalye, hindi ba't dapat ay nasa school sya..

marahil ay ganun din ang naisip ng ibang pasahero kung kaya't wala akong nakitang nag.lagay kahit barya sa kanyang mga sobre..

lahat ng awa ko sa bata ay biglang nawala ng walang anu-ano'y bigla nyang talunan at tapakan ang aking kaliwang paang di ko napansing bahagyang nakaharang sa gitna

maging ang mga pasahero ay nairita sa ikinilos ng bata
...........

sa ikalawang araw, nakita kong muli ang grupo ng kabataang umaakyat ng jeep, bagamat di ko na namukhaan ang batang may kasalanan sa akin..

asan kaya ang mga magulang ng mga batang yon?

sa aking pagmamasid, napansin ko ang isang nanay sa may gilid ng nagtitinda ng kwek.kwek
may bitbit itong mga sobreng tila kahalintulad ng mga sobreng iniaabot ng mga bata sa jeep..

tsk.tsk

akala ko pinapabayaan lang nila sa kalye ang kanilang mga anak, yun pala mas masahol pa..
sinasamahan pa nila ang mga ito ganoong gawain..
...................

sumunod na araw..
nakita ko ang eksaktong mensaheng nakasulat sa mga sobre, na nakasulat din sa isang hinating sako, nakasabit sa isang puno sa gilid ng kalsada..

at sa bandang gilid naman nito ay mga kabataang tantya ko'y nasa gulang na 16-19, nagsusulat ng parang-alam-ko-na sa mga sobre sa kanilang kamay..
di kaya'y sila ang nag.uutos sa mga batang umaakyat ng jeep?
malamang..

.........

bakit kay inaasa ng mga magulang, kuya at batang ito ang kanilang kakainin sa araw.araw sa mga taong akala nila'y makapag.bibigay sa kanila ng kahit kaunting tulong?

marahil, dahil wala naman silang maaasahan sa gobyernong syang dapat na tumutulong sa kanila..

at ang mga kakarampot na baryang inaabot sa kanila ay sapat na para mabuhay kesa ikamatay na lang nila ang paghihintay sa sagot ng mga nasa pwesto

tsk.tsk

Sunday, July 20, 2008

geniuses out there, READ (pde na rin yung curious lang)

GENIUS - belongs to the top two percent of the general population with regard to IQ

"my professional experience has been that an inordinate numbers of two-percenters wind up on my desks as suspects, usually in homicide cases"

-
Paul Brenner

geniuses don't seem to have much tolerance for people who annoy them, or hinder them and they tend to think they are not subject to the same rules of behavior as the mass of humanity

they are often unhappy and impatient people and they can also be sociopaths and sometimes psychopaths who see themselves as judge and jury, and now and then as executioner

"The General's Daughter"
Nelson DeMille

friends, classmates, the geniuses themselves

agree or disagree?

sa mga genius at pumapanig sa may akda ng libro "ganito kaya magiging kapalaran mo?"
......

share your opinions

Saturday, July 19, 2008

how i love being a student (?)

daily scenes..

sa building, sa classroom, sa tambayan, sa quad, sa oble..

madalas na tayong mga estudyante, nagrereklamo sa boring subjects, prof, pati boring seatmate.. bored ka ba talaga, o ayaw mo lang talaga sa subject na yun dahil hindi ka sikat dun, wala kang maintindihan at wala kang maisagot? naisip mo naman kaya na kung bored ka na nakaupo lang, ano pa kaya ang feeling ng prof na dakdak ng dakdak sa harap pero parang mga cosmic dusts lang pala ang kausap..

cosmic dust.. alam mo ba kung ano yan? scientifically, di ko maeexplain sau kung ano yan, pero sa sarili kong meaning, maibabahagi ko sau..

ganyan ang feeling kapag pumasok ka sa isang subject na parang hindi lubos maisip ng 500 cc mong utak kung bakit ka nandun, lulutang lutang sa clasroom, bounce dito, bunggo doon.. walang pumapansin, pinapagpag lang.. ok, sabihin mang imported ka nga [cosmic dust nga eh] from outer space, pero alikabok ka pa rin 'isang pagpag ka lang'..

baka nga kung ipapagtabi pa kau ng isang gramong totoong cosmic dust, kung may umabot man dito sa atin, mas papansinin pa yun ng mga taga-Lab.. ikaw? manigas ka na lang jan, o kaya hilingin mo na lang na kunin ka ni kokei..

bakit walang pumapansin sau? tanong mo ba sa sarili mo yan? yun bang kapag recitation, kapag tumaas ang kamay ng seatm8 mo eh first name basis pa kung tawagin ng prof mo, baka nga alam ng prof mo kung saan xa sumasakay pauwi, samantalang pag ikaw, babanatan ka ng "surname pls?".. kasalanan mo yan, pinangatawanan mo kasi ang pagiging cosmic dust eh..

sana kasi sumasagot ka kahit alam mong mali, para mag iwan ka rin ng tatak sa isip ng prof mo.. sasabihin nun: ah ok, ms/mr your surname here, what's your wrong answer for my question this time?

math.. bakit ba problema nyo at ko ang math.. yun bang araw-araw gusto mong humiling na bagsakan na lang ng langit at lamunin ng lupa kapag tinawag ka at pinasagot ng equation sa board.. bakit ba parati na lang inaabot ng isang buong araw bago ma-gets ang isang equation? na kahit ibang subject na ang kasalukuyang pasok mo ay nasa math equation pa rin na nagpahiya sau sa buong klase ang isip mo.. samantalang ang mga classmates mo naman ay laging may "ahh" na lumalabas sa bibig pag nag eexplain ang prof, tapos pag tinanong mo naman kung paano ba yun, sasagutin ka ng 'ewan ko nga, di ko naintindihan'..

sige, lokohin nyo sarili nyo.. di na kayo naawa sa slow na tulad nila at ko.. wahhh..

hapon na.. last subject na pero naghihinagpis pa rin ang mga kunot mo sa noo dahil kanina pa sila 'on duty', di mo man lang pinahinga yang mga signs-of-aging-lines sa noo mo.. mabuti na lang at sa kalagitnaan ng klase, naintindihan mo na kung paanong ang mga letra sa alphabet at signs ng frat names ay naging zero ang katumbas, sabay sabing "ah ok, gets ko na.. masubukan nga mamaya sa bahay" in full voice, para lang marealize na:

1. nasa klase ka

2. nakatingin na sayo ang prof mo

3. malapit ng mautot ang clasm8s mo sa kakapigil ng tawa nila

4. biology ang last subject nyo na kasalukuyan mong kinaroroonan

5. nasa reproductive system na ang lesson nyo

6. kasalukuyang tinuturo ng prof mo kung paano ginagawa ang baby, the natural way..

pahamak na math no?

sa mga tulad nyo at kong walang pambili ng libro dahil inuuna ang paglamon at paglamon, tyaga sa pagpapa fotox.. sa mga di alam kung ano yan, simple lang, photocopy + xerox = fotox.. pero dapat photox ang spelling no? yaan mo, magpapasignature campaign ako para maging tama ang spelling..

lahat ng tao sa unahan mo magpapa fotox ata ng isang buong libro, parang menopausal pa ang lalaking nagfofotox.. ang pila, abot hanggang gate ng college, kapag tinamaan pa ako ng nag-uumapaw na exaggeration, aabot hanggang taft ave. ang pila sa imagination mo..

tapos ang ipapafotox mo, isang page lang.. makikisingit ka, may magsasabing "pwede pala sumingit eh", at magkakasingitan na, ewan ko na lang kung ano na ang mangyayari sa inyo.. [kaya pala amoy singit sa photocopying section]

wag kasing pairalin ang pagiging tamad, kopyahin mo na lang

eng eng ka ba? pano ko makokopya ang mapa ng mundo with all the lines and grids and dots and names dun..

..

ang mga sitwasyon, karakter at pangyayari sa artikulong ito ay pawang kathang isip lamang.. ang pagkakatulad sa tunay na buhay ng mga taong makakabasa nito ay di sinasadya ng may akda.. sa mga may nais ipabatid at ireklamo sa akin, o kaya'y gusto lang akong murahin, eto ang aking address, 2043-H leveriza st. san andres, malate manila..

pakiusap: wag muna kayo ora-oradang pupunta dun na may kasamang pulis, wala akong balak pumunta sa presinto nang hindi pa naliligo