Monday, July 28, 2008

pedro gil

di ko alam kung ako pa lang ang nakakita ng sitwasyong ito o may iba na rin..

(naalala ko po ito dahil sa nabasa kong bagong obra ni ginoong yfur, salamat sa inspirasyon..)

..
sa jeep patungong UPM
dumaan sa leon guinto
bago dumaan sa intersection ng pedro gil at l.guinto, may sumakay na gusgusing bata

nag.abot ng sobre sa bawat sakay nito at nakasulat dito na
"ate/kuya penge naman ng pambili ng gamit sa school"

at ako, bagaman naaawa sa kanya, ay di napigilang napaismid..
kung nanghihingi sya ng pambili ng gamit meaning nag.aaral sya, anong ginagawa nya ng mga oras na yun sa kalye, hindi ba't dapat ay nasa school sya..

marahil ay ganun din ang naisip ng ibang pasahero kung kaya't wala akong nakitang nag.lagay kahit barya sa kanyang mga sobre..

lahat ng awa ko sa bata ay biglang nawala ng walang anu-ano'y bigla nyang talunan at tapakan ang aking kaliwang paang di ko napansing bahagyang nakaharang sa gitna

maging ang mga pasahero ay nairita sa ikinilos ng bata
...........

sa ikalawang araw, nakita kong muli ang grupo ng kabataang umaakyat ng jeep, bagamat di ko na namukhaan ang batang may kasalanan sa akin..

asan kaya ang mga magulang ng mga batang yon?

sa aking pagmamasid, napansin ko ang isang nanay sa may gilid ng nagtitinda ng kwek.kwek
may bitbit itong mga sobreng tila kahalintulad ng mga sobreng iniaabot ng mga bata sa jeep..

tsk.tsk

akala ko pinapabayaan lang nila sa kalye ang kanilang mga anak, yun pala mas masahol pa..
sinasamahan pa nila ang mga ito ganoong gawain..
...................

sumunod na araw..
nakita ko ang eksaktong mensaheng nakasulat sa mga sobre, na nakasulat din sa isang hinating sako, nakasabit sa isang puno sa gilid ng kalsada..

at sa bandang gilid naman nito ay mga kabataang tantya ko'y nasa gulang na 16-19, nagsusulat ng parang-alam-ko-na sa mga sobre sa kanilang kamay..
di kaya'y sila ang nag.uutos sa mga batang umaakyat ng jeep?
malamang..

.........

bakit kay inaasa ng mga magulang, kuya at batang ito ang kanilang kakainin sa araw.araw sa mga taong akala nila'y makapag.bibigay sa kanila ng kahit kaunting tulong?

marahil, dahil wala naman silang maaasahan sa gobyernong syang dapat na tumutulong sa kanila..

at ang mga kakarampot na baryang inaabot sa kanila ay sapat na para mabuhay kesa ikamatay na lang nila ang paghihintay sa sagot ng mga nasa pwesto

tsk.tsk

6 comments:

P O R S C H E said...

Iba't iba nga talaga ang mukha ng kahirapan!

Nice entry apple.:)

LAMBDA ALPHA RHO ALPHA said...

Poy: thank u po..

isa kang inspirasyon

P O R S C H E said...

"Poy: thank u po..
isa kang inspirasyon"

Maraming Salamat!:)

nano said...

TAMA!nakakalungkot ang katotohanan pero ang mas nakakalungkot pa ay napakaraming tao pa ang nasa likod ng katotohanang ito!SALAMAT sa mga entry nyo, sana marami pa ang makabasa nito!

Inspirasyon nga si poy!

LAMBDA ALPHA RHO ALPHA said...

nano: salamat sa appreciation
tama ka nakakalungkot ngang isipin na bata pa lang sila ay nagagamit na sa mga ganung bagay

Ienne said...

Mag-ingat sa mga tao sa Pedro Gil!