Saturday, July 19, 2008

sharing isn't always that gratifying

first of all, di ko alam kung tama yung title ko, kung akma ba sa gagawin kong ito..

bahala na kayong magpasensya..

mabuti na rin yung maaga akong nagpaalam sa inyo hindi yung napulaan nyo na saka ako magpapaliwanag..

+++++

well, lahat tayo nagsshare ng sumthing db?

kung hindi ai malamang alien ka, hindi ka dapat dito sa earth dahil madamot ka.. come on, kahit tutbras sineshare..

pero..

oh diba.. suspense..

well, sharing.. share ur blessings ika nga..

pero kung saksakan naman ng abusado ang hahatian mo, ai parang magdadalawang isip ka na.. aminin.. (guilty)

hindi naman sa nagmamaramot, and to further elaborate on this, tingnan ang mga sumusunod na sitwasyon..

(ang hirap pa rin magpost ng blog na straight english, nakakahiya naman kung karerin ko ang pag eenglish, nakakahiya sa mga prof na bumabasa ng aking obra, hakhak, meron ba?)

..share ur food, xmpre naman

gawain ko yan, hakhak.. para pag ako ang naubusan, makakahingi ako. Pero nakakayamot din naman kapag 3/4 ng fud mo eh yung taong hinahatian mo ang nakaubos (hindi xa gutom sa style na yun kasi may natira pa sayo).. masaklap pa kung ang pinakatatago mung pagkain ai malalaman mo na lang na nametabolize na ng katawan ng kasama mu sa bahay..

(so hindi ko na rin masisi yung mga taong nagtatago sa kwarto o kaya ai nagkukulong sa CR kapag kakain ng macadamia choc at chippy..) ..(guilty)

..share ur knowledge, turuan ang mga walang assignment

or to make life easy, pakopyahin na lang..

maalam naman gumawa yang mga yan eh, alam din nila, wala lang talaga time gumawa, busy sa PS o kaya counter strike (un pa ang uso nun)..

(part ng buhay estudyante)

naranasan ko na din yan, kaya di ako pumapasok ng maaga kapag alam kong may ipapasang assignment sa araw na yun (uuuhmm, high school) as much as possible, pero walang ligtas haha

kasi naman hindi ako minsan gumagawa ng assignment, kopya din ako sa iba.. so kahit mukhang ewan na ang papel ko pag balik sa akin, ok lang..

pero bakit may ibang tao na hindi nagpapakopya? bakit sila ganun? (uhm, napapaghalataan ang taong ilang beses ding hindi nakapasa ng homework dahil umaasang papakopyahin naman kinabukasan haha, grabe ang sama ng loob ko, nadala hanggang college)

puro sila take ng take, ayaw mag give..

tuturuan mo naman minsan, taz pinapakopya, pero pag ikaw na ang lalapit, wala, pader ang kausapin mo.. mag vandal ka na lang dun na: WAAAHHHH, AYAW AKONG PAKOPYAHIN NG ISANG TAO JAN, WALANG UTANG NA LOOB.. DI NA NAAWA SA AKIN.. MAKAKAGANTI DIN AKO.. ITAGA MO SA KATABI MO..

(ikaw nga pala ang katabi nya)

..pakopya sa exam? bawal yun, baka may nagbabasang bata jan.. WAG MANGONGOPYA NG ANSWER PAG EXAM

dahil cheating is punishable by death..

plus expulsion

patay ka na, expelled ka pa, gusto mo ba yun?

(i'm trying to be child-friendly, so bawal ang bad influencial ideas)

assignment lang ha?! patulong na lang kay mami at dadi kids (much better)..

..share a table (fastfood resto)

nag iisa ka lang naman, nakaupo ka sa table 4 six, abay wag mu naman titigan lang yung nagtatanong kung may kasama ka ba.. gusto nya lang ipakahulugan na makikiupo xa, hindi xa makikipagkilala sa'yo..

pero masaklap dahil bakit nature ng tao na kahit nasa iisang lugar lang kayo ng isang tao ay hindi man lang kayo makapag usap.. dyahe makipagkilala ba.. tipong 10 oras na kayong magkatabi sa bus ng isang tao ai hindi mo man lang alam kung magkapit bahay ba nag pupuntahan nyong dalawa

(sabi nga ni prof Llanes, kylangan pang maaksidente ang sinasakyan nyo bago kayo makapag usap)..

tipong mag uusap kayo "oh my God, may nasagasaan tayong pusa, sabay tayong sumigaw ng HELP, ano nga pala muna ang name mo?"

sino ba kasi nagpauso ng "don't talk to strangers"

(huu, naisip lang po ng author na kung sakaling maging kalikasan ng tao ang maging "talker even to a stranger", wala na ring matatawag na stranger.. tipong nakasalubong mo lang eh pwede mo ng ayain na ilibre ka)

(naisip ko rin na kung ganun ang mangyari, malamang masaya ang mga katulad kong namumroblema dahil hindi ako makaisip ng way kung paano aalamin ang pangalan ng mga crush ko, na nakakasalubong ko lang)

..share ur boyfrend/girlfrend?!

tanga ka, haahahahha

at sa mga gustong makishare, behave ok, bad yan..

nagpakahirap ang iba na akitin yung bf/gf nila, taz ikaw makikihati ka lang ng ganun.. (walang ganun!!!!)

(di na ako magdadagdag ng comment dito, baka magalit yung mga guilty)

bakit ba ang dami kong parenthesis? (wala lang, cute, side comments)

..share ur money

minsan lang, depende kung bagong sweldo, bagong hingi ng allowance.. dahil kung hindi, kahit lumuha ka ng bato, di ko mapapahiram ang singkwenta ko..

kaya maraming pick pocketer (wahahaha, bangag na term, nabuo ni yaj habang naghihintay ng turn ko sa MLhuiller)..

walang nagseshare ng money eh..

..share a toilet bowl (wala lang sabay kayong nag LBM)

wag na kababuyan na to, hehe

..share a barya

ayon kay prof ponsy, ewan ko lang kung tama yung narinig ko o sumusipsip na naman ako pero hindi pala kanya to.. (madalas ako mag hallucinate)..

kung nagbibigay ka ng limos sa pulubi just to gratify urself, o kaya makaramdam ng gaan sa loob dahil nakatulong ka ai hindi justifyable.. (patay, mali ata, semplang ang dulo, help me with my grammar..)

(anyway..)

yung bang tipong hindi maganda yung motive mo sa pagbibigay.. tipong gusto mo lang makadagdag sa passes mo sa langit..

..share a load

wala lang, plug ko lang promo sa globe na dati ai di ko alam kung paano gawin

ang pagseshare ai natural sa tao, pero may mga taong abuso kaya nagkakaroon ng mga taong madamot..

kung saan ka guilty jan, bahala ka na kung tamaan ka.. give and take na lang tayo citizens of the Philippines, para hindi naman maghirap tayo..

sa mga rich, hindi man kayo makapagshare, wag na lang abusuhin kung may power kayo over shareable things.. lumalayo na ang gap natin oh!

ang konti nyong naghahati sa 90% ng yaman samantalang 90% kaming mga purita (poor) na naghahati sa naiiwang 10%.. (tama bang "pareto" efficiency tawag dun)

be kind to animals like me, and (kidding aside) to the rest of this nation

sharing might not be always that gratifying on your side but maaappreciate naman namin if you'll make it a habit hakhak, hindi naman siguro lahat abusado..

ang labo ng stand ko.. basta tinopak na naman ako.. hehe

adios guys, matagal bago ulit ako mkapagpost.. busy na naman..

mwah


4 comments:

Ienne said...

nagpakahirap ang iba na akitin yung bf/gf nila, taz ikaw makikihati ka lang ng ganun..

- Aba, higpitan nila hawak nila! HAHAHA.

LAMBDA ALPHA RHO ALPHA said...

korek hehe

talagang yung part na yun ang tumatak sayo haha
na.experience na? hehe

Ienne said...

HAHAHA. Secret.

LAMBDA ALPHA RHO ALPHA said...

secret ka jan